Nagbigay ng kanyang opinyon ang aktres na si Rita Avila tungkol sa isyu ng educational background ni dating senador Bongbong Marcos.
Matatandaan na kinukuwestiyon ngayon ng mga kritiko ang diploma na nakuha ng dating senador sa prestihiyosong unibersidad ng Oxford.
Ayon kasi sa ilan ay maari daw na hindi nagsabi ng totoo si Marcos tungkol sa kanyang nakuhang diploma sa Oxford.
Ngunit ayon kay Avila ay wala namang masama kung hindi nakatapos ng kolehiyo si Marcos.
“Wala naman problema yun kasi hindi naman nasusukat ang galing at tagumpay ng tao sa paaralan lang.” ani Avila.
“Wala naman problema yun kasi hindi naman nasusukat ang galing at tagumpay ng tao sa paaralan lang.” ani Avila.
“Wala ding problema kung mabuti kang tao, masikap, tapat, marespeto at mapagkumbaba kahit hindi naka-graduate.” dagdag niya pa.
Yun nga lang daw, ang mali sa mga Marcos ay ang kanilang hilig sa paggawa daw ng kwento.
Isang halimbawa na daw ang diumano’y kwentong ginagawa ng nasabing pamilya tungkol sa Martial Law.
“Eh kaso nga, nasa dugo nila ang gumawa ng mga kwento. Gusto pang palitan ang kwento ng Martial Law. Sana huwag naman ganun.” saad ng aktres.
“Eh kaso nga, nasa dugo nila ang gumawa ng mga kwento. Gusto pang palitan ang kwento ng Martial Law. Sana huwag naman ganun.” saad ng aktres.
“Kung ikaw ba ay ninakawan ng kapitbahay mo ng paulit-ulit at nagsinungaling pa sa yo ng ilang beses ay gugustuhin mo pa siyang maging kapitbahay ulit?” sabi niya pa.
Ibinahagi din ng aktres sa kanyang post ang mga internet memes laban sa dating senador.
Ayon sa ilang balita ay kinumpirma daw ng Oxford University na hindi nakakuha ng ‘degree’ si Marcos at special diploma ang nakuha nito sa kanila.
View this post on Instagram
{SOURCE}

Post a Comment